Physical Address
University Ave, Santa Mesa, Manila, Metro Manila
Physical Address
University Ave, Santa Mesa, Manila, Metro Manila
Matagumpay na Naikasa ng Komunidad ng CCIS ang Local Protest Action Higgil sa In-person Midterm Departmental Exams sa Kabila ng Banta ng High Heat Index
Sa pangunguna ng PUP College of Computer and Information Sciences Student Council (CCIS SC), katuwang ang iba pang pang-masang organisasyon at konseho, naging matagumpay ang kilos-protesta ngayong araw upang tutulan ang pagpapatuloy ng in-person departmental examinations sa kabila ng matinding init ng panahon. Nanindigan ang komunidad ng CCIS na dapat isulong ang mas ligtas at maka-estudyanteng alternatibo sa pagsasagawa ng pagsusulit, ito ay para sa kaligtasan ng mga estudyante at pati na rin ng mga gurong nagsisilbing proctors.
Sa kasalukuyan, higit 50+ na mag-aaral ang pilit na pinagsisiksikan sa maiinit at masisikip na silid-aralan, indikasyong hindi ligtas at hindi conducive ang mga pasilidad ng PUP upang lunsaran ng pagkatuto.
Bahagi rin ng panawagan ang pagkondena sa hindi sumasapat na Executive Order No. 12 ng PUP Administration, na sa halip ay magsilbing gabay sa gitna ng nakapipinsalang init, ay lalong nagdulot ng kalituhan sa mga Iskolar ng Bayan.
Sa gitna ng lumalalang krisis pangklima, kitang-kita kung paano apektado ang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng bawat Iskolar ng Bayan. Hindi nararapat na patuloy tayong magtiis sa siksikan at nakapapasong mga klasrum. Higit kailanman, panawagan ito para sa Administrasyong Marcos Jr. para sa mas mataas na badyet sa PUP!
Naninindigan ang CCIS SC at buong komunidad ng PUP na kailangan natin ng pangmatagalang solusyon, hindi band-aid solutions, tulad ng F2F suspensions. Dapat i-upgrade ang mga pasilidad at klasrums ng PUP! Sa harap ng krisis sa edukasyon at lumalalang epekto ng klima, nararapat lang na tayo’y kumilos at manindigan, para sa kaligtasan, karapatan, at kapakanan ng bawat estudyante.
From :PUP College of Computer and Information Sciences Student Council
oooh!